Monday, December 17, 2012

A Senator's Explanation of Vote Against RH Bill*

Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr. explains his vote against RH Bill. This one deserves to be published.


Ginoong pangulo, may kanya-kanya po tayong paniniwala at paninindigan sa usaping ito. Mayroon po kayong opinyon at mayroon din po ako. Ang mahalaga, respetuhin natin ang opinyon ng bawat isa. Magtiwala po tayo sa ating sistema na ang kalalabasan ng botohang ito ay ang makabubuti para sa ating bansa. Having said that Mr. President, I in my good conscience cannot vote in favor of the RH bill.

Hindi ko po matatanggap na sa pamamagitan ng batas na ito, ang isang sanggol, na walang kalaban-laban, na hindi pa ipinapanganak ay sinisentensyahan na natin ng kamatayan. Life is a gift, a blessing, Mr. President, not a curse. I say this because of experience.

Lani and I lost a daughter due to a complication caused by the use of contraceptive pills. Her name is Ma. Alexandra. Ipinanganak po siya noong 1990, ngunit 26 na araw lang siyang nabuhay. Ipinanganak po siya Ginoong Pangulo na butas ang puso. Before Lani gave birth to her, she was properly and religiously taking pills. Hindi lang po pumalpak yung pills, ipinanganak pa siyang may malubhang karamdaman. Up to this day, Mr. President, I still think of what could have been for Alexandra.

Mr. president, dito lang po sa atin, 5 sa 23 senador ang nawalan ng anak dahil sa kumplikasyong dulot ng kontrasepsyon. Sa bilang na ito, halos lahat ay dahil sa diperensya sa puso.

I do not believe that the RH Bill will deliver any of its promises the way it sets them out. There is a saying that you can only bring the horse to the water, but you cannot force the horse to drink. Gagastos po tayo ng bilyong-bilyong piso para bumili ng contraceptives, pero hindi naman natin masisiguro na gagamitin ito. At kung gamitin man ang mga ito, wala namang kasiguruhan na makakamit ng programa ang nilalayon nito - ang pigilan ang paglago ng populasyon upang mabawasan ang kahirapan.

Instead of building more schools, procuring more books, and hiring more teachers to solve the education backlog, the RH bill sees the solution in simply reducing students. Para mabawasan daw ang problema sa kalusugan, imbes na pag-ibayuhin ang mga serbisyo-medikal, bawasan na lang ang mga mangangailangan ng serbisyo. Para matugunan ang problema sa pabahay, sa halip na magpatayo ng bahay, bawasan na lang ang mangangailangan ng tahanan. Instead of government doing its job to address the needs of the people, let us just eliminate those who have needs.

Naiintindihan ko po Ginoong Pangulo na kailangan po nating kumilos para tugunan ang mga problema ng bayan. Ngunit Ginoong Pangulo, kailanman hindi ako makapapayag na sabihing ang problema ng bayan ay ang sarili niyang mamamayan.

Kaya naman Ginoong Pangulo, tumatayo po ako ngayon sa inyong harapan at sa Inang bayan, bilang tinig ng mga mamamayang nasasapawan ang boses. More importantly, I stand Mr. President as the voice of the unborn child.

Ang akin pong boto ay dikta ng aking konsensiya, at sa aking paninindigan kung ano ang tama. Mr. President, I vote NO to the RH bill.

No comments:

Post a Comment