Wednesday, August 15, 2012

Contraceptive Pills, Nakababahala, Nakamamatay!


Nakababahala itong mga naririnig ko ngayong balita tungkol sa mga amang nagsalita laban sa birth control pills. Nagsisilabasan na ang mga amang nagsasabing gumamit dati ang kanila mga asawa ng contraceptive pills bilang paraan nila ng family planning. Nariyan na ang pag-amin ni Senador Tito Sotto sa kanyang talumpating TURNO EN CONTRO sa Senado. Ayon sa kanya, namatay ang limang buwang anak nila ni Helen Gamboa na noo'y gumagamit ng contraceptive pills. Namatayan din naman ng anak si Sen. Ramon "Bong" Revilla dahil sa paggamit ng asawa niyang si Lani Mercado ng pills at sinasabing ito ang naging dahilan sa pagkakaroon ng congenital heart disease ng kanilang anak na namatay din 19 taon na ang nakararaan. Noong dekada 90, tuluyan nang nawala sa piling ni dating gobernador at kongresista ng Surigao del Norte Ace Barbers, na ngayo'y spokeperson ng Nacionalista Party, ang panganay na anak niyang lalaki dahil na rin sa maling choice nila ng paggamit ng kanyang maybahay ng birth control pills.

Nakababahala rin ang pagkabuntis ng mga kababaihan sa kabila ng paggamit nila ng birth control pills. Ang inaakalang katuwang ng mga kababaihan para hindi mabuntis ay pumapalya pala. Dapat nga bang ibigay ng isang babae ang kanyang tiwala sa isang pill na nangangakong hindi siya magkakaanak pero hindi pala siya kayang protektahan siyento-porsiyento? Kahit naka-pill na, nabubuntis pa rin pala ang babae. At hindi lang iyon, ang batang ipinagbubuntis ay maaaring magkaroon ng problemang pangkalusugan na maaaring maging dahilan ng pagkamatay nito. Ilang mga magulang pa kaya ang mawawalan at mamamatayan ng anak dahil sa paggamit ng contraceptives?

Sa ilalim ng RH Bill, ang gobyerno ay mamimigay ng contraceptive pills bilang tulong kuno sa mga magulang na nais magplano ng kanilang pamilya. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, ang mga ipamimigay na contraceptives pills ay nakasasama sa kalusugan ng mga kababaihan at ng mga batang mabubuo sa kabila ng paggamit ng contraceptives.









http://www.youtube.com/watch?v=HAFqpyyv9VI
http://thesplendorofthechurch.blogspot.com/2012/08/sen-ramon-bong-revilla-jr-namatayan-din.html
http://thesplendorofthechurch.blogspot.com/2012/08/nacionalista-party-spokesperson-former.html

Friday, August 3, 2012

The Bible is Pro-Life and Anti-RH (2)



I just can't help not posting these two verses which specifically strengthens the argument that the Bible can not be pro-RH since RH Bill/Law gets away with conception ("contraception") , or birth ("abortion" or killing of an unborn baby).

"Before I formed you in the womb I knew you." --Jeremiah 1:5 (NIV)

"Before I was born the Lord called me..." "And now the Lord says-He  
who formed me in the womb to be His servant..." --Isaiah 49:1,5

The Lord formed us, humans, through a woman's womb, not solely the woman forming humans by herself and claiming all the right over her body up to the point of killing whomever she bears.





The Bible is pro-life. Christians should be, too!




see also The Bible is Pro-Life and Anti-RH (1)