Wednesday, July 13, 2011

Spot the Difference: Recognize the language of Abortion

May dalawang magkumare nag-uusap. Itago natin sila sa pangalang CONTRACEPTIVE at ABORTION.

CONTRACEPTIVE: Uy, kumare! Kumusta ka na?
ABORTION: Uy, kumare! Kumusta ka na?
CONTRACEPTIVE: Mare, overpopulated na tayo.
ABORTION: Mare, overpopulated na nga tayo.
CONTRACEPTIVE: Ang sagot diyan, RH Bill.
ABORTION: Tama. Ang sagot diyan, RH Bill.
CONTRACEPTIVE: Alam mo, Pro-Choice ako!
ABORTION: Alam mo, Pro-Choice din ako!
CONTRACEPTIVE: Choice natin kung gusto nating gawin 'to.
ABORTION: Oo nga. Choice natin kung gusto nating gawin 'to.
CONTRACEPTIVE: Women's rights ang ipinaglalaban ko!
ABORTION: Women's rights din ang ipinaglalaban ko!

At may umepal na isang kakumare din.

DIVORCE: Helloooooooooooow! Ako din! Ako din! Ako din! Women's rights din ang ipinaglalaban ko!

Deadma lang.

CONTRACEPTIVE: I save lives of women!
ABORTION: Ako din kaya! I save lives of women!

Umepal ulit.

DIVORCE: ooops! I save lives of women too!

Deadma pa rin.

CONTRACEPTIVE: Ok nga ang Responsible Parenthood bill eh. Pareho lang sila ng RH Bill.
ABORTION: Tomo! Ok nga ang Responsible Parenthood bill eh. Pareho lang sila ng RH Bill.
CONTRACEPTIVE: Katoliko ka, Mare? Paki ko! Huwag ka ngang mangialam sa mga desisyon ko!
ABORTION: Katoliko ka din, di ba Mare? Paki ko rin! Huwag ka nga ring mangialam sa mga desisyon ko!
CONTRACEPTIVE: Ayaw kong manganak! Masyadong pabigat sa buhay ang mga anak!
ABORTION: Pareho tayo ng prinsipyo. Ayaw ko ring manganak! Masyadong pabigat sa buhay ang mga anak!
CONTRACEPTIVE: Habang maaga pa lang, patayin na ang baby! Di ba?
ABORTION: Hindi lang, kahit late na, patayin pa rin ang baby! Total katawan naman natin ito, kaya choice din natin ito!


CONTRACEPTIVE: Gusto kong maging legal at matanggap ako ng tao.
ABORTION: Excited na ako, Mare! Gusto ko rin kasing maging legal at matanggap ako ng tao.
CONTRACEPTIVE: Huwag mo nga akong susundan!!!
ABORTION: Hindi pwede. Nasaan ka man, nandoon din ako. Dahil ako ang madilim na anino mo! Hindi mo ako maihihiwalay sa sarili mo. Tatandaan mo, lagi akong nakadikit sa'yo! Kapag nasa kadiliman, tayo ay nagiging isa. Oh di ba winner?
CONTRACEPTIVE: Leche! Gusto kong bumaba ang bilang ng abortion!
ABORTION: Ha? (laughs) Hindi mangyayari 'yun kung ipagsisiksikan mo ang sarili mo sa kongreso!
CONTRACEPTIVE: Hmmp! Gusto kong bumaba ang bilang ng mga kaso ng HIV/AIDS.
ABORTION: Mare, tanggapin mo na. Wala ka talagang nagawa para maibaba iyan. Mas tumaas ang bilang ng mga kaso ng HIV at AIDS noong ipinamimigay ka na ng gobyerno ng libre! RH Bill nga di ba? RH Bill?! Alam na ng buong mundo iyan. Alam na nila ang kapalpakan mo!
CONTRACEPTIVE: Walang hiya ka, Abortion! Hindi ka dapat pinopondohan ng gobyerno!
ABORTION: Walang hiya ka rin, Contraceptive! Hindi ka rin dapat
pinopondohan ng gobyerno!


Obey God's Will NOW!
Reject the RH Bill NOW!

No comments:

Post a Comment